Tuesday, October 15, 2013

October 15, 2013

Nagpunta yung kapatid ni Lolo sa bahay. Nagpasama kay Nanay sa sementeryo. Hindi ko kilala kung sinong kapatid pero galing Negros daw yun. Sya daw yung bunsong babae nila Lolo. Si Ayan ang nagluto ng baon ko dahil nga umalis si Nanay. Hehe. Fried chicken wings. Sarap! :)

Pagkagising ko, tapos na si Ayan magluto, si Kuya nasa harap ng laptop nya at nag-i-internet. Pagdating ni Nanay, ayun nga, kinwento nya na nagpunta sila sa sementeryo para bisitahin si Lolo. Naisip ko nga sakto yung pagdating nung kapatid nya kasi nga di ba, death anniversary ni Lolo sa 29? So, ayun. Binilhan daw nya si Nanay ng tatlong blouse, pandesal, (na kinain namin ni kuya) at ibos.

Hindi ko sya na-meet eh. Pero kilala mo siguro kung sino yun, no?

Si kuya ay bumili ng bagong phone! Yaman no?! Haha! Cherry mobile yung binili nya na ang gara. Inggit tuloy ako. Gusto ko din nun. Hahaha! Bibili din ako nun. Plano ko talaga eh Samsung S pero since mas mura yung Cherry mobile, yun na lang. At least kung ma-holdap ako, o kaya ma-snatch-an, hindi masyadong masakit sa puso kasi mura lang. Haha!

Si Ayan nga po pala ay umalis na sa bahay. Dun na sya manggagaling sa bahay ng classmate nya bago lumakad bukas ng alas kwatro para sa tour nila. Linggo na daw po ang balik nila.

At dahil parehong bumyahe at nagbakasyon itong dalawa, naisip ko din na gusto ko din bumyahe next year para sa birthday ko. Hindi ko pa napagdesisyunan kung san ako pupunta pero gusto ko ulet bumyahe. January last year pa yung huli kong byahe. Sa Subic. Nung kasama ko si Maget. Ayun, gusto ko ulet. Hehe.

Alam mo po pala, Ma, nung Sunday, ayun, umiyak ako maghapon hanggang alas diyes ng gabi. Nyahahaha. Nanood kasi ako nung Japanese drama series na 1 Litre of Tears. Hay naku, sakto yung pamagat. Isang litro nga rin yata yung iniiyak ko. Hahaha! May picture ako sa phone ko na magang-maga yung mata ko. Hahahaha. Po-post ko some time para makita mo. Ayun.

Ang silbi ng blog na ito ay para i-update ka sa mga nagaganap samen sa bahay. Hirap kasi ng communication natin ngayon. Hindi tulad dati na pwede ka na lang i-text. Well, kahit ganon, hindi pa rin naman dapat maputol ang communication, di ba? Comment ka sa baba para malaman ko na nabasa mo na. Sana hindi ako tamadin na i-update tong blog na to para sayo. Hahahaha!

Next time ulet! Ingat ka palagi, Ma! Mahal na mahal ka namin. Magkikita tayo soon! ^_____^

No comments:

Post a Comment