Annyeong, eomma! ^_____^
Barangay elections na sa Monday pero hindi pa namin alam kung sino'ng iboboto. Hahahah! Tinatanong ko si Nanay kung sinong iboboto namin since sya tong mahilig um-attend ng mga meeting ng mga kandidato, pero sabi nya hindi nya pa daw alam. Hala! Pa'no kaya yun? Hahaha!
Kaming tatlo lang ang boboto dahil hindi pa din registered si Ayan hanggang ngayon. Pasaway na bata yun.
Speaking of Ayan, ang galing na talaga nya mag-tattoo.. Naku naku. kina-career. Hahaha! May tinatooan sya nung nakaraan, pinost nya naman yata sa facebook yun, so baka nakita mo na. Yung Indian na matanda. Ang galing lang kasi sabi nya, isa daw sa pinakamahirap i-tattoo eh yung mukha. Tapos ayun, nagawa nya ng maganda. Galing-galing talaga. Nakaka-proud.
Nga po pala, sumasakit daw yung ngipin nya, or gilagid. Bukod kasi sa tumutubo na yung wisdom tooth nya, namamaga din mismo yung gilagid nya. Sabi ko nga, pag hindi na namamaga, ipa-check up nya sa dentista nila sa school. Ayun, at tsaka, parang kelangan din nya magpa-brace. Kasi yung sungki nya sa harap, since nakalubog yung ngipin, hindi na natotoothbrush-an nang maayos.
Ganun din yung sistwasyon dati sa sungki ko eh. Tapos kapag sasadyain nyang toothbrush-an, since kelangan nyang diinan, masakit naman. Kapareho nga nung sa sungki ko dati. Sabi ko sa kanya ipa-brace nya pag may trabaho na sya. Sabi nya ayaw nya daw kasi masakit. Sabi ko naman, anong gusto mo, tiisin mo yung sakit ngayon at umayos yang ngipin mo, o mabulok yan at mabungi ka?
Tumahimik saglit, sabay sabing, "ewan ko." Hahahah. Pag ganun yung sagot nya, alam ko nang nagwagi ako sa argument. Hehehehe.
Si Kuya naman. Nakoo.. ang panganay mo, ang haba ng buhok sa ilong. Hahahah! Tinatanong ako nung nakaraan kung ano daw gagawin ko kung yung isang kaibigan ko eh nagsabing gusto daw ako. Pero hindi ko gusto.
Edi sabi ko sa kanya, wag mong iwasan. Friends pa rin dapat kayo pero sabihin mo sa kanya na hanggang dun lang. O di ba? Habulin ang kuya ko. Hahahah.
Sabi nya, yun naman daw ang sinabi nya dun sa babae. Ang kaso nga lang daw, bina-bad mouth naman daw nitong babae yung nililigawan nya. O di ba? Dala-dalawang rebelasyon sa iisang usapan? Ang kuya ko, nanliligaw na pala ulet, ngayon lang nagsalita. Heheheh. Edi ba po kasi sabi nya hindi daw muna sya magjojowa ngayon dahil focus muna sya sa pag-aaral? Na-curious tuloy ako kung ano ang personality ni ateng. Hmmm...
Tapos edi mega tanong na ko. Matagal nya naman na daw nililigawan si ateng, mga half a year na? Hindi nya in-specify eh, pero mga ganun na yata. Ayun, na-excite naman ako na may nagugustuhan na ulet si kuya. Hehehe
Ako naman. Hmmm.. Adik na adik pa din sa mga Koreano ko. Nyahahah. Eh kasi naman eh, ang kyooooot-kyoooot kaya kasi ni kepyong. Heheheh. C.A.P yung pangalan nya pero parang KEP kasi nila binibigkas. Kaya ayan, Kepyong ang tawag ko sa kanya. Mehehehe.
Kamusta ka? Gusto ko din marinig mga kwento mo. Miss na miss ka na namin, Ma! See you soon! Take care of yourself until that time, okay? We will take care of you when you're here, so you don't have to worry about that. :)
We love you, Mama! Ingat palagi. Mooooowah! ^_____^
No comments:
Post a Comment